RELASYON SA AGRIKULTURA

MAHALAGA na nagkakaroon ng relasyon sa pagtatanim partikular sa agrikultura.

Subalit hindi ito relasyon ng dalawang tao na opposite sex.

Ang tinutukoy namin ay ang mga gulay, prutas at butil at ano ang kahalagahan ng relasyon ng mga ito sa lupa kung saan sila itatanim.

Maging ang katubigan kung saan sangkot ang pangingisda ay kailangan din ng relasyon.

Hindi ng relasyon ng mangingisda at isda at yamang dagat, kundi kung anong klase ng isda at uri ng katubigan. (Mabuti nilinaw mo – Ed).

May mga isda kasi na maaaring palakihin sa tabang o mga ilog at mayroon na mahahango o lumalaki sa maalat o karagatan.

Kaya dapat alam ng mga nangangasiwa sa pangingisda angga ito.

Subalit mas umikot ang paksa sa pagtatanim sa talakayan noong nakalipas na Linggo, October 20, 2024, kung kailan nakapanayam ng radio-TV-socmed show na USAPANG PAYAMAN sa DWIZ882 si Antonio “Tonio”  Florez, isang agriculture technologist at executive director ng Farm Lab.

Si Flores na maituturing young agri techie at farmer ay hinangaan sa kanyang pag-ibig na sumigla ang pagsasaka sa bansa.

Dahil totoo namang mabibilang sa kabataan at kanyang kaedaran na magkaroon ng masidhing interes sa agrikultura.

Totoong pinakamahirap na hanapbuhay ang pagsasaka, pagtatanim at pangingisda dahil kailangan ng lakas at ang kalaban ay kalikasan.

Higit sa lahat kailangan ng makinarya at pangunahin ay lupain na pagtataniman.

Sa pag-aani, kailangan din ng post harvest facility gaya ng lugar na pagpapatuyuan ng palay, kiskisan o milling at bodega kung saan iimbak ang palay at bigas upang maging ligtas sa ulan.

Subalit hindi diyan nagtatapos ang pangangailangan ng magsasaka at iba pang nagtatanim ng gulay.

Sinabi ni Florez na mahalaga ang kaalaman, at hindi lang ang basic kundi advanced technology sa agrikultura.

Kaya naman, alok ni Florez bilang agri techie ang pagtuturo sa pagsasaka.

Nang makapanayam ng UPIZ882am si Florez ay nasa Surigao City ito at ang pakay ay bigyan ng dagdag-kaalaman ang mga agri worker doon.

Subalit bago nila ito ginawa ay nagkaroon sila ng ocular inspection at kung ano ang resulta, ang pagresolba sa mga kinakaharap ng mga magsasaka ang kanilang itinuro kasama ang alok na teknolohiya.

Proteksiyon ng farmer vs kalamidad, peste

Dahil rainy season at panahon ng bagyo, itinuturo ng grupo ni Florez sa mga magsasaka kung paano mapoproteksiyonan ng mga farmer ang kanilang produkto o pananim laban sa mga dala ng kalamidad.

Maging ang paggamit ng kemikal panlaban sa insekto at peste ay itinuturo rin ni Florez.

“May kahalagahan din ang mga insekto o hayop sa pananim at mayroong mensahe ito sa mga magsasaka, ” ayon kay Florez.

Hindi anya solusyon o minsan nakakatulong ang sobrang gamit ng pesticide sa pananim at minsan ay nakakasama pa,” diin ni Florez.

Relasyon ng tanin sa lupain

Maging ang klase ng lupain at itatanim ay may koneksyon.

Sinabi ni Florez na nagko-complement ang uri ng butil na itatanim sa lupa na ibig sabihin, napapataba ng tanim ang lupa habang nagkakaroon ng magandang bunga ang pananim at masaganang ani.

EUNICE CALMA-CELARIO

o0o

Ugaliing makinig at manood ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ 882am, 2-3PM tuwing Linggo, sundan din sa FB Pages DWIZ 882 at PILIPINO MIRROR at YT DWIZ 882. Ang mga host ay sina Cris Galit, Susan Cambri-Abdullahi at Eunice Calma-Celario.