SENTRO ng pagnanais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabago ang pamamaraan ng 2024 national budget provision para sa fuel subsidies para sa transport sector na mapaikli o mapadali ito mula tatlong buwan patungo sa isang buwan ang pamamahagi.
Ayon kay Energy Secretary Rafael Lotilla, nagbigay ng direktiba ang Pangulong Marcos na baguhin ang pamamaraan o lengguwahe ng 2024 GAA provision sa fuel subsidies para sa transport sector.
“So, with this simplification or shortening of the period, we will be able to release the subsidies in a shorter period of time,” ani Lotilla.
Sinabi pa ni Lotilla, na sentro ng ginanap na sectoral meeting kahapon ang mapababa ang presyo ng petrolyo.
Isa sa napag-usapan ang maipatupad bago matapos ang 2023 ang boluntaryong pagdagdag ng 20% halo ng ethanol sa mga gasolina mula sa kasalukuyang 10%.
Batay sa datos, nasa P66.89 ang presyo ng kada litro ng gasolina, habang nasa P79.49 ang local ethanol at P41.44 ang imported ethanol.
Kapag aniya nadagdagan ang blend ng ethanol ay magreresulta ito ng mababang pump prices.
Iniulat din ng DOE chief na sa ngayon, ang presyo ng kada bariles ng Dubai oil ay lampas nasa US$80 para sa tatlong buwan.
Ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay dahilan kung bakit nagre-release ng fuel subsidy ang pamahalaan at para mapabilis ang pamamahagi nito na panukala ng Department of Budget and Management (DBM) sa Congress, kakailanganin ng guidelines na aprubado ng DBM, Department of Transportation (DOTr), at ng Department of Energy (DOE).
“And these can be released upon the finalization of the list of beneficiaries by the Department of Transportation for those which have franchises; and then by the Department of Interior and Local Government for tricycle drivers; and by the Department of Trade and Industry for delivery service drivers,” dagdag ni Lotilla.
EVELYN QUIROZ