RELEVANCE OF BUILD, BUILD, BUILD!

BUILD BUILD BUILD

(By Edwin Cabrera)

TUNAY ngang hindi maipagkakailan ang taong 2020 ay isa sa mga taon na talagang sumubok at patuloy na sumusubok sa katatagan ng mga Filipino. Maraming trahedya ang naganap, trabaho o hanap buhay na nawala, at iba pang mga balitang labis na ikinalungkot ng marami. Pero hindi lahat ng balita ay puro negatibo lamang. Ilan na nga sa mga nagbibigay pag-asa sa mga pinoy ay ang mga proyektong inilaan ng kasalukuyang administrasyon upang mas maipahatid ang serbisyong dekalidad sa ating mga kababayan – itong ang programang Build, Build, Build! – na layong palaguin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura.

Ang programang “Build, Build, Build!” ang nagsisilbing centerpiece sa pangkalahatang programa na binuo ng kasalukuyang administrasyon. Marami ang labis na nagalak sa programang ito dahil lumikha ito ng maraming trabaho at tunay na magpapasigla ng ekonomiya ng bansa. Magbibigay daan din ang programang ito upang mabansagang “Golden age of infrastructure” ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

BUILD-1Simula nang maupo bilang Pangulo si Duterte taong 2016, inilaan niya ang pinakamataas na pondo para sa proyektong pang imprastraktura. Ito ay sa kadahilanan na ang ating bansa ay isang archipelago na nangangahulugang nangangailangan tayo ng mas maraming logistic facilities, power infrastructures at higit sa lahat makabagong transportasyon para sa mas matiwasay at mabilis na paghahatid ng mga produkto at transaksiyon.

Binubuo ng mahigit 20,000 infrastructure projects nationwide ang programang Build, Build, Build. Kabilang sa nasabing programa ang mga pagsasaayos ng mga kalsada, daungan, pa­liparan, terminals, evacuation centers, ospital, paaralan, at iba pang government facilities. Dahil na rin sa programang ito, nakaranas ang construction sector ng  12.7 percent growth mula taong 2016. Sa bilang naman ng mga manggagawa sa industriya ng imprastraktura, malakiri nang iniangat nito mula sa 3.5 million taong 2017, nasahigit-kumulang 4.2 milyon na ito sa kasalukuyan.

Ayon sa opisyal na datos ng ating gobyerno, 9,845 road projects nasa Metro Manila, Cavite, Laguna, Tarlac, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Davao City, Bulacan, Oriental Mindoro, Cebu, Misamis Occidental, Negros Oriental, at maging sa Palawan, ang kanilangnatapos. 2,709 na tulay naman ang nagawa nila sa lugar ng Marikina, Isabela, La Union, Misamis Oriental, Occidental Mindoro, Pampanga, at Nueva Ecijia.

Mula rin noong June 2016, nakumpleto rin nila ang proyektong may kinalaman sa flood mitigation. Sa kabuuan, 4,536 naimprastraktura para maprotektahan ang mga flood-prone areas ang kanilang natapos.Kasama sa mga pasilidad na ito ang pumping stations sa Barangay ng Wawang Polo at Caloocan, proyekto ng flood risk management para sa mga ilog ng Cagayan at Tagoloan, Tide embankment project sa Leyte, at maging ng Pasig Marikina River flood control.

Sa usapin naman na may kinalaman sa pasilidad para sa edukasyon, bagama’t tiyak na limatado itong magagamit sa ngayon, nakapagtala ang administrasyon ng completion of 71,803 classrooms na tiyak na mapakikinabangan ng higit sa 3.2 million na estu­dyante. Isang napakalaking bagay lalo na’t antas ng Edukasyon ang pinakamalaking pondasyon ng isang bansa. (pansamantalang hindi magagamit ang school facilities dahil sa limitasyon dulot ng Covid-19 pandemic at walang face-to-face schooling sa taong ito na nakatakdang magsisi­mula ang klase sa Oktubre 5 – CSG).

BUILD-3Para naman sa proyektong may kinalaman sa airports and aviation, 119 air gateways na rin ang naitayo at na-rehabilitate mula pa noong June 2016. Ilan nga sa mga natapos na proyekto ay ang Bohol-Panglao Interna-tional Airport, Mactan-Cebu International Airport, Sangley Airport sa Cavite, at iba pa. Kasalukuyan naming tinatrabaho ng gobyerno na matapos na rin ang 166 pang proyektong tulad nito.

Sa taong kasalukuyan, puspusan ang trabaho ng administrasyon upang makumpletoang mga proyektong may kinalaman lalo’t higit para sa matiwasay na transportasyon. Sa kabila ng pandemiyang dulot ng COVID-19, nakitaan ng administrasyong Duterte na magandang oportunidad na pagigihin ang pagsasagawa ng mga nasabing proyekto lalo na at limitado ang mga bumabiyahe ngayon.

Ayon nga sa President and Chief Exe­cutive officer ng Ba­ses Conversion and Development Authority (BCDA) na si Ginoong Vince Dizon, “At the end of the day, this is not just about building an airport or building a port, or building a bridge.”Ang mga proyektong ito ay patunay raw lamang na ang administrasyong ­Duterte ay determinadong iangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Filipino.

BUILD-2Sa isang panayam rin, nabanggit ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na karamihan sa mga proyekto ng kasalukuyan pang tinatapos ay mapasisinayaan na sa lalong madaling panahon. Dagdag pa niya natiyak umano ito ng makatutulong sa pamumuhay ng mga Filipino.

Kung susumahin, may mas malalim na kahulugan at kahalagahan ang programa ng Build, Build, Build! ng administrasyong Duterte para sa atingmga Filipino. Kung pagbabasehan nga ang mga datos na nailathala, malaking bagay ito para mga kababayan natin na nawawalan na ng pag-asa. Magsilbi nawa ito ng mabuting balita na hindi pa natatapos sa pandemyang ito ang ating mga buhay; tiyak na mayroon pang mas mabuting hinaharap ang inihahanda na para sa ating lahat.

Photo credits: DPWH.GOV.PH

Comments are closed.