KABILANG ang mga relic ng dalawang kilalang santo na dati ring nagsilbi bilang mga Santo Papa ng Simbahang Katoliko, sa inilabas ng Manila Cathedral para sa public veneration kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Archdiocesan Pope’s Day.
Batay sa abiso ng Manila Cathedral, binuksan para sa public veneration ang relics nina St. John XXIII at St. John Paul the II matapos ang banal na misa na pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia ganap na 6:00 kagabi.
Ito ang unang pagkakataon na inilabas para sa public veneration ang bone relic ni St. John XXIII, ang Santo Papa noong panahong muling itinatayo ang Manila Cathedral Taong 1958.
Ang naturang relic ay ibinigay ng Vatican sa Manila Cathedral bilang pagpupugay sa ika-60 na anibersaryo ng muling pagkakatayo ng Manila Cathedral matapos ang giyera.
Samantala, muling bibigyan ng pagkakataon ang publiko na ma-venerate ang Blood Relic ni St. John Paul II na nauna nang inilabas para sa public veneration noong Abril.
Ang pagdiriwang ng Pope’s Day na pinangunahan ni Caccia ay isinagawa sa Minor Basilica ng Immaculate Conception kagabi, kasabay na rin ng pista ng ‘Solemnity of Saints Peter and Paul na kapwa naging bahagi sa pagpapatag ng simbahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.