RELIEF EFFORTS SA TALISAY CITY PINANGUNAHAN NI BONG GO

NITONG  Biyernes, February 10, nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa Cebu kung saan personal nitong tinulungan ang 594 Cebuanos, 500 ay solo parents at 94 mga nasunugan sa Talisay City.

Nanguna si Go sa relief operation sa Lagtang Old Public Market. Tumanggap ang mga benepisyaryo ng grocery packs, vitamins, masks, meals, at shirts. bicycles, cellular phones, sapatos at iba pa.

Namigay rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development.

“Ngayong nandito ako, gusto kong makatulong, makapagbigay ng solusyon sa inyong mga problema, at makapag-iwan ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” saad ni Go.

“Naka ilang balik na ako dito sa Cebu… sa Talisay (City), ang pangako ko sa inyo pupuntahan ko kayo kahit saang sulok kayo sa Pilipinas basta kaya ng aking katawan at panahon. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya. Kung napapanood n’yo sa TV ang sinasabing ‘mula Aparri hanggang Jolo’, ako mismo mula Batanes hanggang Tawi-tawi ay nakatulong tayo para mailapit ang gobyerno sa tao. Hindi namin kayo pababayaan sa oras ng inyong pangangailangan,” aniya.

Bilang pinuno ng Senate Committee on Health and Demography, inalok ni Go na tumulong sa mga nangangailangan ng pangangalaga sa ospital. Hinikayat niya ang mga Cebuano sa lungsod na kumuha ng tulong medikal mula sa Malasakit Center na matatagpuan sa Cebu South Medical Center.

Nakatuon sa pagpapabuti ng access sa abot-kayang pangangalagang pangkalusugan, pangunahing inakda at itinataguyod ni Go ang Malasakit Centers Act of 2019 na nag-uutos sa lahat ng ospital na pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Department of Health, at ng Philippine General Hospital sa Lungsod ng Maynila, na magtatag ng sarili nilang Malasakit Center upang matulungan ang mahihirap na pasyente na bawasan ang kanilang mga gastos sa medikal. Sa ngayon, mayroong 154 Malasakit Centers sa buong bansa.

Ang ibang Malasakit Centers ay nasa Eversley Childs Sanitarium Hospital in Mandaue City; Lapu-Lapu District Hospital; Cebu Provincial Hospital in Carcar City; at St. Anthony Mother & Child Hospital and Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.