SINIGURO ng Manila Water na makatatanggap ng “relief” sa water bill ang kanilang mga consumer na apektado ng water interruptions.
Sinabi ni Manila Water Chief Executive Officer Ferdinand Dela Cruz na binigyan na niya ng direktiba ang kanyang mga tauhan hinggil sa mga posible nilang gawin sa water bill ng kanilang mga consumer.
Nauna rito, ilang mambabatas ang nagrekomenda sa Manila Water na huwag nang singilin o bigyan na lang ng refund ang mga customer ng naturang kompanya dahil sa naranasang pagkawala ng supply bunsod ng krisis sa tubig.
Target ng Manila Water ang 99 percent coverage sa kanilang nasasakupan hanggang sa matapos ang Marso.
Sa ngayon, sa 65 na barangays na kanilang sakop ay 11 pa ang wala pa ring water supply.
Tiniyak nito na manunumbalik lamang ang dating mataas nilang serbisyo sa katapusan ng summer season o sa katapusan pa ng Mayo. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.