MAAARI nang magsagawa ng religious gatherings ang iba’tibang religious denominations sa bansa isang beses kada araw mula Abril 1-4 o sa Semana Santa.
Ito ang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang aprobahan ito ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases kung saan 10 porsyento lamang ang seating capacity sa loob ng mga simbahan.
“Dahil dito ang mga religious denominations ay kinakailangan sundin at ipatupad ang mga sumusunod na karagdagang mga controls bukod pa sa mga dating nilang ginagawang hakbang bilang pag-iingat sa kumakalat na Covid-19 habang sila ay nagsasagawa ng kanilang mga religious services o activities,” pahayag ni Roque.
Paalala ni Roque, kailangang sumunod sa mga minimum health protocols kontra COVID-19 ang mga magsisimba.
Sinabi pa nito na kailangan na maipatupad ang reservation system para matiyak na masusunod ang 10
porsiyentong capacity.
“Bawal ang pagtitipon-tipon o pagsasagawa ng religious activities sa labas ng simbahan o venue,” sabi pa ni Roque.
Para maiwasan ang pagititipon-tipon ng mga tao sa labas ng simbahan, ipinagbabawal ang paggamit ng audio video systems sa labas ng simbahan o venue habang mayroong misa o worship service.
Istrikto ring nililimitahan ang live singing sa hanay ng mga miyembro ng choir sa misa at hinihakayat ang recorded singing.
“At panghuli, hinihikayat na ang pag-attend sa mga religious activities sa pamamagitan ng iba’t-ibang online platforms,” dagdag pa ni Roque.
Inaatasan ang local barangay units at local units ng Philippine National Police (PNP) na tiyaking maipatutupad nang mahigpit ang mga umiiral na health protocols sa kasalukuyan.EVELYN QUIROZ
162003 451401As far as me being a member here, I wasnt aware that I was a member for any days, truly. When the write-up was published I received a notification, so that I could participate within the discussion of the post, That would explain me stumbuling upon this post. But were undoubtedly all members in the world of tips. 295664