RELOCATION ALLOWANCE PARA SA MGA GURO

Rep-Salvador-Belaro-Jr

ISINUSULONG ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro ang pagbibigay ng “relocation allowance” at pagkakaroon ng Department of Education ng sariling hostel o lodging para sa mga guro na nagtuturo malayo sa kanilang tahanan.

Ito ay upang maiwasan na ang krimen tulad sa nangyaring pagpaslang sa isang public school teacher na si Mylene Durante na pinatay sa loob ng opisina ng Oringon Elementary School sa bayan ng Pio Duran sa Albay kung saan ito nagtuturo.

Ang guro ay pinayagan na gamitin ang pasilidad ng paaralan at matulog sa Principal’s office pagkatapos ng klase dahil malayo ang tinitirahan nito at para na rin makatipid.

Iminungkahi ni Belaro sa gobyerno na magbigay ng “relocation allowance” sa mga gurong malalayo ang tahanan para magamit sa upa sa apartment o kuwartong marerentahan malapit sa paaralang pinagtuturuan.

Iginiit din ng kongresista na mas mainam kung bawat bayan o siyudad sa bansa ay magkakaroon ng DepEd run hostel o apartments upang hindi na mahirapan ang mga guro na makahanap ng mauupahan.

Isinisisi ng mambabatas ang pagkamatay ng guro sa kawalan ng sistematikong solusyon para tugunan ang pangangailangan ng mga public school teacher.

Pinamamadali na rin ni Belaro ang pag-apruba sa kanyang inihain na House Bill 7154 o On-Site Housing for Teachers Act at House Bill 4252 o ang dagdag na police visibility sa mga paaralan.    CONDE BATAC

5 thoughts on “RELOCATION ALLOWANCE PARA SA MGA GURO”

  1. 480374 426635Discover out these pointers read on and learn to know how to submit an application doing this which you policy your corporation today. alertpay 189026

  2. 401580 144856I discovered your weblog web site on google and examine a number of of your early posts. Continue to preserve up the superb operate. I merely extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of forward to reading much more from you later on! 528156

Comments are closed.