REMITTANCE FEE DISCOUNT SA OFWs

PASADO na sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbibigay ng proteksiyon sa perang pinaghirapan ng OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay ng discount sa kanilang remittance fees.

Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 9032 o ang Overseas Filipino Workers (OFW) Remittance Protection Act, lilimitahan ang ipinapataw na remittance fees ng banks at non-bank financial intermediaries. Nakapaloob din sa panukala ang  pagbibigay ng discount sa OFWs at tax incentives sa mga establisimiyento  na nagkakaloob ng discount sa OFWs.

Ang banks at non-bank financial intermediaries ay oobligahin na magbigay ng mandatory discount sa remittance fees ng 10% hanggang 50% depende sa halaga ng ire-remit.

Hindi naman papayagan ang financial intermediaries na nag-aalok ng remittance services sa mga OFW na basta magtaas ng remittance fees na walang ginagawang konsultasyon sa Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Mahaharap naman sa multa at pagkakakulong ang sinumang lalabag sa oras na maging ganap na batas ito.        CONDE BATAC

Comments are closed.