REMITTANCES NG OFWs BUMAGSAK DAHIL SA COVID-19

Remittances-4

BUMABA ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong Mayo dahil sa limitadong bank operations at sa repatriation ng overseas workers dulot ng COVID-19 pandemic, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang cash remittances na ipinadaan sa mga bangko ay umabot sa $2.106 billion (P103 billion) noong  Mayo, mas mababa ng 19.3 percent kumpara sa $2.609 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“The decline in cash remittances was due to the negative effects of the continued limited operating hours of some banks and institutions that provide money transfer services during the lockdown and the repatriation of many OFWs in March 2020,” sabi pa ng central bank.

Ayon pa sa BSP, ang cash remittances mula Enero hanggang Mayo ay nasa $11.554 billion, mas mababa ng 6.4 percent kumpara sa $12.349 sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang United States ang  pinakamalaking pinagmumulan ng remittances sa 39.4 percent para sa January-May period, sumusunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, Hong Kong, Qatar at Taiwan.

Samantala, ang personal remittances mula sa overseas Filipinos ay naitala sa $2.341 billion noong Mayo, mas mababa ng 19.2 percent kumpara noong nakaraang taon. Ito ang ikatlong sunod na taon na nagtala ang personal remittance ng  year-on-year contraction dahil sa COVID-19 pandemic.

Naunang sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na ang dollar remittances ay maaaring bumaba ng hanggang 5 percent dahil sa pandemya.

Comments are closed.