MAKATUTULONG sa pagbaba ng inflation ngayong huling tatlong buwan ng taon ang pagdagsa ng remittances mula sa overseas Filipino workers (OFWs) sa kabila ng inaasahang malakas na demand na lalong maglalagay ng pressure sa presyo ng mga bilihin.
“Ang lagi naming sinasabi diyan kapag Christmas bumubuhos naman ang remittances, ‘pag bumuhos ang remittances ang peso-dollar rate mag-i-improve,” pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo sa isang forum sa Quezon City kamakailan.
“So ‘pag nag-improve ang dollar-peso rate makatutulong din naman ‘yun sa pagsugpo ng masyadong mabilis na pagsipa ng presyo… Kaya all things being equal at wala masyadong impact ang holidays.”
Inaasahan ng BSP ang pagbagal ng inflation sa huling tatlog buwan ng tao at gumaan sa loob ng target ng gobyerno ng 2 hanggang 4 na porsiyento sa susunod na taon.
“Normally ang aming baseline forecast is 4-percent growth for entire year of 2018, ibig sabhin 4-pecent means that nung 2017 naka $28 billion dollars tayo kapag pinaakyat mo ‘yan ng 4 percent maaaring $29 to$ 30 billion,” sabi ni Guinigundo.
“But normally, itong 2018 ‘yung huling quarter maybe bigger kasi nakita natin ‘yung deployment ng labor bagamat nagkaroon ng problema sa Middle East patuloy na malakas ‘yung deployment of labor kasi new markets are found by the POEA (Philippine Overseas Employment Administration),” dagdag niya.
Maliban sa OFW remittances, ang kita mula sa sektor ng business process outsourcing (BPO) at tourism receipts ay makapagsusulong din sa supply ng dolyar ay makatutulong sa pagpapagaan ng presyo ng bilihin, lalo na ang pag-angkat ng bansa.
Comments are closed.