ISA si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona sa top-performing central bank chiefs sa mundo.
Si Remolona ay tumanggap ng ‘A-‘ rating mula sa Central Banker Report Cards for 2024 ng Global Finance magazine.
Mula sa halos 100 central bankers sa buong mundo, si Remolona ay isa sa 15 nakakuha ng ‘A-‘ rating.
Ang 14 na iba pa ay nagmula sa Cambodia, Canada, Costa Rica, Dominican Republic, European Union, Guatemala, Indonesia, Jamaica, Jordan, Mongolia, Norway, Peru, Sweden, at United States.
Tatlong central bankers — mula Denmark, India, at Switzerland — ang nakatanggap ng pinakamataas na rating na ‘A+’, habang 7 ang nakakuha ng ‘A ‘ratings.
Ang central bank chiefs ay in-assess base sa pagiging epektibo ng kanilang monetary policy, pangangasiwa sa financial system, asset purchase programs, forecasting accuracy, transparency, political independence, at tagumpay sa pagtugon sa national mandates.
“The rating celebrates leaders whose strategies have excelled through creativity, originality, and resilience at a time when central bankers have waged war against inflation wielding their primary weapon–higher interest rates,” ayon sa Global Finance.
Ang Global Finance ay isang magazine na binabasa ng may 50,000 senior corporate at financial executives na responsable sa key investment at strategic decisions sa multinational firms at financial institutions sa 193 bansa.