Tinutulan kamakailan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang implementasyon ng DOTR, LTO, TRB Memorandum Circular 2024-01 na gusto nang ipatupad ng TRB sa October 1, 2024.
Ipatutupad na sana ito noong August 31 ngunit sinansala ng kautusan ng Kongeso.
Ayon kay LCSP founder and chairman Ariel Inton, nirerespeto nila ang regulatory powers ng DOTR, LTO at TRB, ngunit hindi umano katanggap-tanggap ang nasabing circular dahil apektado nito ang mga motorosta.
Kung aalisin umano ang cash lanes, lahat ng papasok sa tollways ay dapat na may RFID sticker. Kung walang sticker, pagbabayarin sila ng P1,000 sa first offense, P3,000 sa second offense at P5,000 sa mga susunod pang offense.
Kung wala namang sapat na balance ang RFID, pagmumultahin ang motorista ng P500 sa first offense, P1,000 sa second at P2,500 sa mga susunod pang offenses.
Ani Inton, napakalaki ng multa bukod pa sa hindi naman nito materesolba ang traffic sa tollways na umano’y likha ng mga non-RFID
users.
“Kung sinasabi ng DOTR LTO TRB na ninety percent na ng motorista ang RFID equipped, paanong nakagawa ng gulo ang nalalabing ten percent non RFID users kung meron naman silang exclusive cash lane?” ani Inton.
“And what vehicles have no RFID. Those vehicles which are not frequent users of toll ways. Why don’t the penalty include payment for RFID installation or load?” dagdag pa niya, para wala na umanong second o succeeding violation.
Isa pa umano sa objectionable provision ng circular ay ang pagmumulta ng motoristang may RFID na pero kulang ang load.
Hindi umano patas na mah-load ng sobra para safe, lalo pa at ayon sa mga RFID users, nawawala ang kanilang load kahit hindi nila ginagamit.
May dapat umanong pagmultahin ang mga RFID providers tuwing sasablay ns magbukas ang mga barriers kahit sapat naman ang load ng mga motorista.
Isa pa umanong problema ay may mga tollways na walang service roads para sa mga sasakyang hindi kayang magbayad ng toll fees. Mas makakamura umano ang mga motorista kung gagamit sila ng cash lane kaysa mag-load ng RFID.
Suportado umano ng LCSP ang paggamit ng efficient RFID provider, ngunit kailanfan pa ring may pagpipilian ang motorista. Kung mas makakamura at praktikal sa cash lanes, bakit umano sila pagmumultahin?
Pagwawakas ni Inton, kapag ipinatupad na umano ang circular, mad magiging cashless ang mga kawawang motorista.
RLVN