NANUMPA kahapon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong Kalihim ng interior and local government.
Pinalitan ni Remulla si Benhur Abalos Jr. na nagbitiw sa puwesto matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC), araw ng Lunes, Oktubre 7, sa Manila Hotel Tent City.
Nauna rito, sinabi ni Remulla na totoo ang balita na tinanggap niya ang hamon ni Pangulong Marcos na maging tagapamahala sa Kagawaran ng Interior at Lokal na Pamahalaan o DILG.
“Ito po ay hindi makakamit sa puro salita lamang o yung pang-aaway ng walang hanggan. This can only be done through consensus building, community empowerment, and enhancing civic responsibility,” aniya pa rin.
Humingi naman siya ng dasal at suporta sa publiko para matagumpay siya sa kanyang bagong tungkulin.
EVELYN GARCIA