INAPRUBAHAN ng Board of Directors ng Philippine Veterans Bank (PVB) ang appointment ni Renato A. Claravall bilang bagong President & Chief Operating Officer nito epektibo Disyembre 1, 2018.
Si Claravall ay director ng PVB magmula pa noong 2015.
Bago ito, siya ang senior-vice president at chief finance officer ng Benguet Corporation mula 2010 hanggang 2015, at nagsil-bing director sa iba’t ibang wholly owned companies ng Benguet Corporation.
Ang kanyang bantog na career sa banking and finance ay umabot na ng 45 taon kapwa sa commercial at investment banking, kabilang ang iba’t ibang senior management positions sa ilang financial institutions dito at sa ibang bansa.
Miyembro rin siya ng Sons & Daughters Association Inc. (SDAI) sa pagiging anak ni World War II veteran Juan J. Claravall.