RENE REQUIESTAS NABUHAY KAY PEPE HERRERA

MATAPOS maging sidekick ni Coco Martin ng one year sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay bida na ngayon sientra eksena Pepe Herrera sa kanyang first mainstream movie sa Regal Entertainment, Inc. na “The Hopeful Romantic” katambal ang hindi lang maganda kundi desirable na si Ritz Azul. Sa kanilang red carpet premiere last Monday sa Trinoma Cinema 5 ay hindi napigilan ni Pepe na ma-teary eyed nang marinig ang malalakas na tawanan ng mga tao habang pinapanood ang mga eksena nila ni Ritz. Kuwelang-kuwela rin ang character nina Beverly Salviejo at Bodjie Pascua na gumaganap na mga magulang ni Pepe sa movie at may pagka-naughty sila rito pero hindi naman bastos.

Well, dahil sa timing sa pagpapatawa at nahahawig na atake sa comedy ay marami ang nagkokomento na nabuhay raw sa katauhan ni Pepe ang yumaong komedyante na si  Rene Requiestas. Ang  lamang lang ng bagong komedyante ay singer siya at mahusay talagang kumanta.

Naku, umabot na sa more than 10M views ang official trailer ng The Hopeful Romantic at dinagsa rin ng fans ang premiere night nito at kahapon (Setyembre 12) sa unang araw ng showing nito sa maraming sinehan sa buong bansa ay milyong piso na ang kinita nito kaya’t tuwang-tuwa na naman ang mag-inang Roselle at Lily Monteverde.

CHINO ROMERO INSPIRASYON NG MARAMING PINOY

CHINO ROMERO-2ISANG big achievement para sa singing career ni Chino Romero ang mapansin ang pangalan sa buong mundo at ito’y sa pamamagitan ng number one Online Sing Along na SMULE at sa kanyang Vhen Bautista a.k.a Chino Romero page. At dahil ang mga original songs at cover songs niya (Romero) ay na nasa 124K ang recorded song videos gayundin ang sariling komposisyon na “Chatmate Ko,” na nasa more than 7M views na and still counting at mahigit 2M views naman ang version ng daughter ni Chino na si Mikaela Bautista sa awi­ting ito.

Actually marami ng OFW na regular na nakaka-duweto ang singer na matagal ng hawak ang titulong “Prince Of Ilocano Songs” ito ay dahil sa rami ng nagawa niyang Ilocano albums. At dahil sa kanyang  pagiging popular sa Smule kung saan nasa 60,541 ang followers ni Chino, ang magaling na singer ang siyang nagsisilbing inspiras­yon ngayon ng nakararami.  May dalawa palang bagong album si Chino na parehong produced ng AWENG RECORDS at AVP Records Events and Management ang “HARANA” at “ADIK NA SA’YO.”

5K PARA SA AUDIENCE NA MAKAHUHULA SA “GUHIT EAT BULAGA PLUS”

PUWEDE ka nang manalo ng 5,000 cash at makikita mo pa ang favorite mong Kapuso stars sa “Guhit Eat Bulaga Plus.” Napakadali  lang naman ng mechanics ng isa sa daily pakontes na ito sa favorite noontime show ng lahat ng dabarkad sa buong bansa. Araw-araw  ay apat na studio contestants na nagmumula sa red, blue, yellow, and green team at bawat player ay may kani-kaniyang ka­tegorya tulad ng tao, pangyayari, etc., na iguguhit impromptu ng celebrity guest na huhulaan agad-agad ng mga napiling kalahok. Kapag nahulaan sa loob ng isang minuto ay P5k at gift pack mula sa Lemon Square cheese cake ang puwedeng maiuwi ng nakasagot. Para  manalo rito ay dapat mag-concentrate sa iginuguhit.

 

Comments are closed.