PINALAWIG ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang deadline ng pag-renew ng business permit at lisensiya para sa kasalukuyang taon.
Sa ilalim ng City Ordinance 2022-05, ang mga negosyante sa lungsod ay binibigyan ng hanggang Enero 31, 2022 upang bayaran ang kanilang mga business taxes nang walang surcharge, penalty o interes.
“Many businesses are once again affected by the surge of COVID-19 cases and the extended Alert Level 3 community quarantine in Metro Manila. We intend to give them ample time to renew their business permits and licenses, and pay their taxes,”ayon sa pamahalaang lungsod.
Ang mga nagbabayad ng buwis ay maaari ding magparehistro o mag-renew ng kanilang mga negosyo online sa https://online.navotas.gov.ph/.
Nauna rito, nagbigay ang Navotas ng tax amnesty sa mga indibidwal at negosyo sa pamamagitan ng General Pandemic Amnesty Program at nagbigay ng mga diskwento sa mga on-time taxpayerss sa ilalim ng Pandemic Recovery Assistance Program.
Ang mga programang ito ay bahagi ng isang serye ng mga hakbang sa pagbawi ng ekonomiya na ipinatupad ng pamahalaang lungsod upang mabawasan ang epekto ng COVID-19 sa Navoteño taxpayers. EVELYN GARCIA