RENEWAL NG DRIVER’S LICENSE HANGGANG SABADO NA SA MALL

DRIVER_S LICENSE

MANANATILING bukas kahit araw ng Sabado ang LTO sa mga mall para sa renewal ng driver’s license.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), layunin nito na mas mapadali ang pagre-renew at pag-a-apply ng mga estudyante ng permit.

Sa isang memorandum circular na inisyu kamakailan, iniutos ng LTO na simula ngayong buwan ay ga­wing hanggang Sabado ang pag-a-apply at pagre-renew ng lisensiya sa pagmamaneho sa mga mall sa buong bansa.

“Upang ganap na mapakinabangan ang accessibility at availability ng aming mga serbisyo sa publiko sa mga mall, simula Hunyo 2019, ang lahat ng DLROs ay inaatasan na magpatakbo at magproseso ng mga aplikas­yon para sa pag-renew ng mga lisensiya sa pagmamaneho at mag-isyu ng student permits sa araw ng Sabado,” nakasaad sa memo na nilagdaan ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

Naglabas din ang LTO ng memo na nagpapahintulot sa pagre-renew ng driver’s license na maaga ng dalawang buwan o 60 araw.

Para naman sa hassle-free transactions, ang sino mang aplikante ay maaaring gumawa ng appointments online sa pamamagitan ng LTO Online Appointment and Scheduling System at mag-login sa www.lto.net.ph.        BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.