ANO kaya ang feeling ng kabebertdey mo lang, ikakasal ka naman? Kasi naman, sinurpresa ni Chiz Escudero si Heart Evangelista ng singsing noong February 14, tapos nag-renewal of vows naman noong February 15 sa kanilang 9th wedding anniversary. Bongga! Yung iba, naghihiwalay, sila nag-renewal of vows pa.
Naganap ang ceremony sa Balesin Royal Villa sa Balesin Island, na dinaluhan rin ng mga kaanak ni Heart. Sa ganda ng gown ni Heart na masterpiece ng sikat na Lebanese fashion designer na si Elie Saab, lalo pang gumanda ang bride. Idagdag dag pa ang kwintas na inadornohan ng mga brilyanteng kinolekta ni Heart sa mahabang panahon, pati na ang mga brilyanteng regalo ng kanyang asawa at mga magulang.
Sa party, napakaganda rin ng change-wear ni Hear na nadedekorasyunan ng Swarovski crystals at may kapa pa! gawa naman ito ng local designer na si Michael Leyva.
Si Chiz naman, guwapong guwapo sa light ecru-colored suit ng Dior na tinernuhan ng dark leather loafers ng Gucci.
Hindi nakadalo ang ama ni Hearty na si Rey Ongpauco dahil nagpapagamot ito sa United States pero dumalo naman ang kanyang inang si Cecil Ongpauco na siyang naghatid sa kanya sa altar. In other words, reconciled na sila – wala nang problema. Tanggap na si Chiz ng mga Ongpauco.
Maligayang bati sa mga muling ikinasal. LNVN