INAASAHANG matatapos ang pagpapaayos at pagpapaganda sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex na itinayo noong 1934 sa Nobyembre 12, 18 araw bago idaos ang 30th Southeast Asian Games.
Ito ang pagsisiguro ni architect Gerard Lico kung saan sinabi niya na 85 porsiyento nang tapos ang renobasyon.
Sa press conference na ipinatawag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Chief of Mission William ‘Bucth’ Ramirez at dinaluhan nina Commissioners Celia Kiram at Charles Raymond Maxey, idinetalye ni Lico ang progreso ng pag-sasaayos sa makasaysayan at cultural heritage sports complex.
Sinamahan ni Lico ang mga miyembro ng media sa pagsilip sa lahat ng pasilidad na sumasailalim sa renovation at improvement.
Inamin ni Lico na napakahirap ang pagpapaayos sa Rizal Memorial Sports Complex dahil matagal na itong itinayo at kailangang masusing pag-aralan ang physical defect nito.
“It’s a very difficult job and at the same time we need to deal with. We studied it carefully and meticulously because the sports was built long time ago and this is the first time it underwent renovation. Ganito ka-extensive ang pagpapaayos sa sports complex,” wika ni Lico.
Ayon kay Lico, may anim na kuwarto at 22 toilets, brand new air con, flood barrier, brand new seats, new flooring at glass windows ang RMSC kung saan lalaruin ang gymnastics.
Para mapabilis ang paggawa at ma-meet ang deadline para sa SEA Games, kumuha, aniya, sila ng private contractor na may 285 manggagawa.
“We hired closed to 300 workers to accomplish the target and meet the deadline in time for the SEA Games,” pahayag ni Lico.
Maraming malalaking international sports competitions ang nilaro sa makasaysayanf sports complex tulad ng Asian Games, Far Eastern Games, Asian Athletics, SEA Games, Asian Baseball, Asian Softball, Asian Archery, Asian Tennis, at World Volleyball.
Ang sports na lalaruin sa bagong gawang sports complex, bukod sa gymnastics, ay football, tennis, soft tennis, squash at shooting.
Bukod sa Rizal Memorial Sports Complex, ang iba pang venues para sa biennial meet ay ang Subic Freeport Zone, Laguna, Manila cluster, Southern Tagalog cluster at ang newly built 30,000-sitting capacity New Clark City Sports Complex na magsisilbing main hub ng 11-day competition.
Lalarga ang 30th edition ng SEA Games sa Nob. 30-Dis. 11, tampok ang mahigit 10,000 atleta mula sa 11 bansa na magpapaligsahan sa 56 sports kung saan nakataya ang 523 medalya. CLYDE MARIANO
Comments are closed.