(Renovated PNPPC office) MALINAW AT MABILIS NA KOMUNIKASYON NG PNP, PUBLIKO

BINASBASAN at pinasinayaan ang newly renovated/constructed office ng Philippine National Police PIO – PNP Press Corps  (PNPPC) sa loob ng Camp Crame nitong Agosto 9.

Pinangunahan nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, PNPPC President Mar Gabriel ng Net25;  dating PNP Chief Ret. Gen. Rodolfo Azurin Jr.; Col. Jean Fajardo, PNP-Public Information Office chief; at BGen. Roderick Augustus Alba, dating PNP-PIO chief at ngayon ay Directorate for Police Community Relations ang seremonya habang nanguna sa pagbabasbas si Cpt. Alexander Repaso, Officer-In-Charge,  Admin Officer, Chaplain  Service.

Sa talumpati ni Gab­riel, nagpasalamat ito sa pamunuan ng PNP para sa renobasyon at konstruk­syon ng press office gayundin sa mga bagong kagamitan na daan upang maayos ang working place ng media.

Nagpasalamat din si Gabriel kasama ang kanyang mga opisyal at mi­yembro sa mga sumuporta lalo na sa liderato ng PNP gaya ni Marbil at Azurin gayundin kay Fajardo na naging tulay para mapabilis ang renobasyon ng press office.

Dahil mayroon nang working place ang media, sinabi ni Gabriel bilang pangulo ng PNPPC na makatitiyak na katuwang ang kanyang opisyal at miyembro na maihahatid ang katotohanan at istorya ng PNP na walang fake news.

“Our relationship is one of mutual benefit. A symbiotic partnership where the police serve as the custodians of public safety, and we, in the media, ensure that the actions of the police are communicated fairly and accurately to the people.  Sa pamamagitan nito ay pagtulungan po nating labanan ang laganap na fakenews,” bahagi ng talumpati ni Gabriel.

Dumalo sa selebrasyon ang mga naunang pangulo ng PNPPC kasama sina Nonie Pelayo, founding president; Fernan Ma­rasigan, Benjie Liwanag, Raymond T. Africa, Noel S. Alamar, Romy Evangelista, Rolly Carandang,  Jeffrey Jan Escosio, Raymund Dadpaas at  Aaron Recuenco.

Dumalo rin ang mga dating PNP-PIO chiefs na sina Maj. Gen. Bernard Banac na ngayon ay director ng Area Police Command ng Western Mindanao at dating PNP Chief Ret. Gen. Dionardo Carlos.

EUNICE CELARIO