Rent-to-own condo para sa yuppy Filipino

Juice colored! Napakahirap magtrabaho sa Metro Manila. Bukod sa sasagupain mo ang mabigat na traffic, magbabayad ka pa ng bahay na napakamahal, lalo pa at hindi ka naman taga-Maynila. Magbabayad ka buwan-buwan pero hindi naman sa’yo nakapangalan ang titulo. Pero may sagot sa problemang yan. Uso na kasi ngayon ang rent-to-own.

Ang rent-to-own agreement ay kasuduan kung saan pumapayag kang magrenta sa isang property sa specific period of time, na may option ka na bilhin ito bago matapos ang napag-usapang panahon ng rentahan. Kasama sa rent-to-own agreement ang standard lease agreement pati na rin ang option na bilhin ang property later on.

Tinatawag din itong rental purchase o rent-to-buy. Syempre, legally documented ang transaksyon dito, kung saan ang tangible property, tulad ng furniture, consumer electronics, motor vehicles, home appliances, engagement rings, at real property, ay pwedeng paupahan ng weekly o monthly payment, na may option na bilhin ng umuupa.

Sa Pilipinas, ang nag-o-offer ng ganyan ay ang DMCI Homes. Mayroon silang rent-to-own program para sa kanilang Home Ready properties, kung saan ang magiging homeowner ang renter makaraan ang ilang taon, sa lock-in price!

Ang Home Ready agreement ay flexible at magaang paraan upang simulang magkaroon ng sariling tahanan. Habang nagrerenta, nag-iipon na rin ang future homeowner ng pang-downpayment na 60% ng presyo ng renta, at naki-credit na ang renta para dito. Ang creditable amount ay depende sa project location at laki ng uit.

Matapos ang lease contract period, pwede nang bilhin ang unit kung mababayaran ng renter ang at least 10% ng total contract price ng unit. Sinusunod ng Home Ready ang 10/90 payment term, kung saan ang 10% down payment ay ang creditable amount sa total lease payment. Ang natitira pang down payment balance ay babayaran ng cash.

Ang 90% pang natitira ay Loanable Balance na pwedeng utangin sa bank financing o sa in-house financing sa terms ng 90% balance payment. May pagpipilian sa DMCI Homes na mga accredited banking partners na makatutulong upang makapasok sa lease-to-own program.

Napakaganda ng Home Ready program dahil mayroon itong Price Protect. Sakaling magdesisyon ang renter na bilhin na ang unit, mae-enjoy niya ang lock-in price o no selling price increase mula sa araw a nagsimula siyang magrenta.

Syempre, Instant Move In din dahil yari na ang bahay. Magkakaroon siya ng firsthand experience sa bahay na gusto niyang bilhin, at kung hindi niya magustuhan, pwedeng pwede niyang iwan. NLVN