RENTA PARA SA ABRIL NG SMALL BIZ UTAY-UTAY 

Trade Secretary Ramon Lopez-5

MAAARING bayaran ng small-scale businesses na naapektuhan ng Luzon-wide enhanced community quarantine ang kanilang April rent sa 6-month installments, ayon kay Department of Trade and Indus-try (DTI) Secretary Ramon Lopez.

“Ibig sabihin po, kung ano man ang dapat na bayarin na due date within the quarantine period ay ito po ay itutulak at may 30-day grace period… It will be paid in 6 monthly amortization o installment in 6 months para maluwag-luwag ang pagbayad,” wika ni Lopez sa isang panayam sa radyo.

Ang pagkakaloob ng palugit sa micro-small-medium enterprises (MSMEs) ay inaprubahan ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, at ang  DTI ay ina-tasang bumuo ng guidelines para rito.

Ayon kay Lopez,  nilagdaan niya ang circular noong Sabado makaraang konsultahin ang Department of Justice (DOJ).

Ani Lopez, ang 6-month amortization ay naglalayong maibsan ang paghihirap ng maliliit na negosyo na ang kita ay naapektuhan ng COVID-19 crisis.

“Hindi papatong [ang April rent] sa Mayo… Para po makaluwag ang ating maliliit na negosyante… [H]indi po mabibigla ang ating mga MSME na hindi na nga nakapagnegosyo, may babayaran pa,” anang kalihim.

Nauna nang nagpatupad ang pamahalaan ng 30-day moratorium sa pagbabayad ng residential rents at loans.

Ang buong Luzon ay isinailallm sa enhanced community quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Comments are closed.