RENZ VALERIO MAKES A REBOUND IN TV SERIES

HULI kong na-interview ang guwapong teenager na si Renz Valerio sa launch ng Hahamakin Ang Lahatbuzzday and that was two years ago. Kaya noong magkaroon ng panayam ang GMA 7 para sa teleserye na Inagaw na Bituin kung saan magtatagisan ng acting sina Kyline Alcantara at Therese Malvar, natanong ko si Renz kung ano ang nangyari sa panahon na iyon na parang bakasyon siya sa showbiz.

Ipinaliwanag niya na nag-alaga siya sa inang maysakit who was afflicted with breast cancer until she succumbed to the disease on January 17 this year. Dama ko ang pagpipigil sa kanyang emosyon as we talked and having been through a loss of a loved one, I could relate to him so well.

Ikinuwento niya ang hurdles that he and his family had to go through after his mother’s burial, how his family left behind—his father, only sister and he—broke down sa pagpasok nila ng kanilang bahay pagkatapos ng libing.

Inamin niya na nag-aalala siya sa kanyang ama, na ramdam niya kung paano nito nangungulila sa kanyang ina. Pinipilit daw nila na makapag-move on although sinabi ko sa kanya na walang short cut sa move on, kundi magkaroon muna ng acceptance na it was his mother’s time to be with her Crea-tor.

Ramdam ko ang kanyang pain, at nagpapasalamat siya na right after his mother’s interment, kinabukasan ay nakatanggap siya ng call slip for a project, ito ngang Inagaw na Bituin na simula ngayong araw, February 11 sa GMA Afternoon Prime.

He plays the role of Henry Bautista, Prince’s cousin who is an aspiring musician. Renz admitted that he loves the role because he can make use of his real talent as a musician dahil he really plays the guitar and drums.

Isa aniya sa iniwang regalo ng ina ay ang pagtanggap nito sa kanyang girlfriend at  ang ikinalulungkot niya ay hindi na makikita ng ina ang kanyang pag-akyat sa entablado para tanggapin ang kanya diploma ng pagtatapos sa kolehiyo ngayong March. Ga-graduate na si Renz sa kursong Business Administration major in Marketing sa Fatima College. Ito aniya ang hinihintay ng kanyang ina.

Hasn’t recovered from a painful loss of a loved one, I am sure magiging mas intense ang performance dito ni Renz even more than his poignant portrayal of young Alden in the movie, The Road where he won Best Child Actor in the 60th FAMAS Awards. Carry on, Renz!

Comments are closed.