(Reopening ng ekonomiya kailangan –  Employers group) LOCKDOWN EXTENSION INALMAHAN

Sergio Ortiz-Luis

KINAKAILANGANG mabuksan ulit ang ekonomiya para mapigilan ang pag-dami pa ng mga walang trabaho, kasama ang patuloy na pagbabakuna kontra COVID-19 at pagsunod sa health protocols, ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Sa isang statement, sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr. na panahon na para malaman na hindi solusyon ang lockdown sa health crisis na kinakaharap ng bansa.

“Let’s compromise, we have to think that the economy is more important and we have to live with COVID-19,” aniya.

Ginawa ni Ortiz-Luis ang pahayag sa gitna ng mga ispekulasyon ng pagpapalawig sa two-week enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila matapos ang August 20.

Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi pa napag-uusapan ang posibilidad ng pagpapalawig sa ECQ sa Metro Manila, at ‘fake news’ ang napaulat na pagpapatupad ng five-week loackdown.

Ayon kay  Ortiz-Luis, sa pagtaya ng pamahalaan ay nasa P150 billion kada linggo ang mawawala sa sa ekonomiya, o P300 billion sa dalawang linggong ECQ.

Paliwanag pa ng ECOP chief, ang tinatayang lockdown losses ay bukod pa sa pagsasara ng mga negosyo na magreresulta sa unemployment

“It would have been much productive and useful to channel even a fifth of these losses to strengthen our healthcare system to address the cases and for prevention measures,” aniya.

Dagdag pa ni Ortiz-Luis, mas maliit ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 kumpara sa mga bunga ng ibang karamdaman, at maging ng suicide at pagkagutom.

Kaya ang kailangan, aniya, ay ang paigtingin ang monitoring sa severe cases dahil karamihan sa COVID-19 infections ay asymptomatic.

“Let us not be fixated on the numbers. Instead, let us intensify and fast-track our vaccination.

“Let us not forget practicing health protocols and comply with quarantine classifications. Continue adding hospital rooms, facilities, COVID-19 centers…,” dagdag pa niya.

3 thoughts on “(Reopening ng ekonomiya kailangan –  Employers group) LOCKDOWN EXTENSION INALMAHAN”

Comments are closed.