PASIG CITY – ISA sa major plan ng bagong pangulo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Ret. MGen. Ricardo Morales ay reorganization sa kanilang hanay.
Ito ang anunsiyo ni Morales sa ginanap na Kapihan with Media sa kanilang tanggapan sa Citystate Centre, Shaw Boulevard sa lungsod na ito.
Sa panayam kay Morales inamin nito na kinuha siya ni Pangulong Rodrigo Duterte upang linisin ang state health insurer sa mga alingasngas lalo na’t nakaladkad ito sa katiwalian ng iba nilang partners sa pamamagitan ng fraud collection benefits partikular ang “ghost” dialysis treatment, overpayment at iba pang fraudulent practices na nasa likod ng padded claims.
Sinabi rin nito na ang marching order sa kanya ng Pangulo ay “sampulan” ang mga tiwali.
Kompiyansa rin si Morales na kaya niyang i-execute ang utos ng Pangulo lalo na’t magagamit niya ang kanyang natutunan sa nakalipas na career bilang sundalo, pagganap bilang administrator sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), habang may alam na rin siya sa usapin ng insurance and benefits dahil naging pangulo siya ng Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc., at chairman ng Armed Forces and Police General Insurance Corporation makaraang magretiro noong 2009 sa militar.
Inamin ng bagong PhilHealth President and CEO na malaking hamon ang nasa balikat niya gaya ng pagbibigay ng benepisyo sa milyong pasyente gayung manggagaling ang kanilang pondo sa miyembro, pondo ng Universal Health Care na epektibo sa Setyembre at sa sin taxes.
PHILHEALTH KAYANG I-PROVIDE ANG BENEPISYO
Gayunman, sinabi ni Morales na kayang i-provide ng PhilHealth ang kaukulang benepisyo ng mga miyembro nito habang mayroon din naman silang investment na pinasok.
“Very challenging, pero kaya naman naming i-provide ang benepisyo because of sin taxes, UHC at ibang function na charity at funds ng PCSO ay ipapasa sa amin, saka mayroon din kaming investment na kumikita naman,” ayon pa kay Morales.
MAY HAKBANG UPANG HINDI NA MAULIT ANG FRAUDULENCE
Tiniyak din ni Morales na may ginagawa na silang hakbang upang hindi na maulit ang panloloko sa kanila ng ibang partners o klinika.
Maging ang mga miyembro na mag-a-avail ng benepisyo ay posibleng gamitan ng biometrics upang maging transparent ang nakukuha nilang payments kapag nagpa-ospital.
Sa ngayon, ang klinika na tinukoy na sangkot sa ghost dialysis ay under investigation. EUNICE C.
Comments are closed.