REP. ANDAYA PINALITAN BILANG MAJORITY LEADER

Deputy Speaker Rolando Andaya -2

BUMABA na sa puwesto bilang Majority Leader ng Kamara si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Sa talumpati ni Andaya, ibinida nito ang kanyang mga nagawang trabaho sa loob ng anim na buwan na ito ang Majority Leader.

Ini-nominate ni Andaya si Capiz Rep. Fredenil Castro kapalit nito bilang Majority Leader na inaprubahan naman sa plenaryo.

Wala namang tinukoy na dahilan si Andaya sa ginawang pagbibitiw nito na lider ng mayorya.

Inanunsiyo  nito  na ini­lilipat na sa House Committee on Appropriations mula sa House Committee on Rules ang imbestigasyon sa iregularidad ng panukalang 2019 budget.

Sinabi naman ni Andaya na handa niyang pamunuan ang Appropriations Committee.

Nagpasalamat naman si Castro sa pagkakapili sa kanya ni Andaya bilang kapalit nito na Majority Leader.

Depensa ni Castro, ang pagbaba sa puwesto ni Andaya ay walang kinalaman sa ginagawa nitong imbestigasyon kay Budget Secretary Benjamin Diokno at sa mga natuklasang iregularidad sa DBM. CONDE BATAC

Comments are closed.