REP. DUTERTE TULOY ANG TRABAHO KAHIT TINAMAAN NG COVID

REP DUTERTE - AGILA

Patuloy ang pag-ulan ng panalangin sa Davao City para sa mabilis na paggaling ni Cong. Paolo “Pulong” Duterte (inset) matapos na tamaan ito ng Covid-19 kahapon.

Sa kabila ng pagsailalim sa isolation at pagpapagaling, patuloy itong sumubsob sa trabaho at mabilis din ang direktiba sa mga staff nito na maghatid ng tulong sa pamamagitan ng bigas at cash aid sa mga traffic enforcers sa Davao City.

Kaya naman sa Davao City, tinatawanan lang ng mga lihitimong mamamayan dito ang ibang patutsada na binabato ng mga nais manira sa mambabatas.

Bukod dito, sunod-sunod na namahagi ng tulong sa pakikipagtulungan sa pamahalaan mula ng magsimula ang pandemya sa bansa.

“Dalangin po naming ang mabilis na paggaling ng aming kongregista na tila walang kapaguran sa pagsisilbi sa amin. Salamat po, Cong. Pulong sa iyong tunay na malasakit,” sambit ni Jojo na isa sa enforcers na napagkalooban ng financial aid. -ANB

Comments are closed.