REP. PULONG DUTERTE AT REP. ERIC YAP, TUTULONG SA SULU PLANE CRASH VICTIMS

REP DUTERTE -14

Naging mabilis ang pasya ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Act-CIS/Benguet care taker Rep. Eric Yap kahapon ng gabi na magpaabot agad ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga sundalo at sibilyan na biktima ng place crush sa Sulu kamakailan.

“Last Sunday, we lost some of our troops and civilians in a plane crash in Patikul, Sulu. To us, they are heroes and we salute them for their sacrifices. But to their families, they are everything. From the people of Davao City, we would like to extend our condolences to the bereaved families and loved ones of those who died in the incident. We are one with you in prayers and I pray that you shall be blessed with solace and strength to endure the days ahead,” pahayag ni Rep. Duterte.

“Kami sa Benguet ay nakikiramay sa mga pamilya ng naiwan nating sundalo at sibilyan. Nakakalungkot ang sinapit ng ating mga sundalo na gusto lang ay makapagsilbi sa bayan at paigtingin pa ang ating paglaban sa terorismo. Saludo tayo sa kanila,” dagdag ni Rep. Yap.

Ang nasabing donasyon na  P5 milyon mula sa dalawang mambabatas ay ibibigay sa Lunes sa Camp Aguinaldo upang agad itong magamit na tulong sa pamilya ng mga nasawi. Bukod sa dalawang mahuhusay na mambabatas, ang kabuuan ng donasyon ay galing din sa ibang business sector ng Davao City at Benguet Province.

“Maliit lang na halaga ito kumpara sa sakripisyo na kanilang ginawa at sa serbisyo nila para sa bansa. Immediately after the incident was reported in the news, tumawag agad si Cong. Paolo Duterte para planuhin ito. Tumawag din ang ilang mga kaibigan namin mula sa business sector na gusto din makipag-bayanihan kahit sa maliit na paraan. Hangad natin na kahit papaano ay makatulong tayo sa pamilya nila ngayon na nawalan sila ng mahal sa buhay,” dagdag ni Rep. Yap

“At para sa mga sugatan mula sa insidenteng ito, nawa’y magsilbi itong pansamantalang tulong hanggang sila ay makabalik sa serbisyo. Patuloy tayong magdadasal para sa mabilis ninyong recovery,” pagtatapos ni Rep. Pulong na anak ni President Rodrigo Duterte.

61 thoughts on “REP. PULONG DUTERTE AT REP. ERIC YAP, TUTULONG SA SULU PLANE CRASH VICTIMS”

  1. 923432 368181I feel other internet site proprietors ought to take this site as an model, quite clean and superb user genial style . 578099

Leave a Reply

Your email address will not be published.