PARA sa batikang political analyst na si Mon Casiple, may problema si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung umatras ito sa term sharing sa pagitan nila ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na inaprubahan na ni Pangulong Rodri-go Duterte.
Ayon kay Casiple, kung aprubado na ni Pangulong Duterte ang panukalang term sharing at pumabor na rin dito ang isa pang kahati sa Speakership na si Cayetano subalit biglang umatras si Velasco ay tila may problema ito, aniya, parte ng manueverings ng mga Speakership candidates ang ganitong mga hakbang kaya kung umatras si Velasco ay tiyak na sa kanya babalik ito sa negati-bong paraan.
“Possibly, gusto niya na mauna”pahayag ni Casiple.
Una nang inamin ni Cayetano na ang term sharing sa House Speakership na kanyang pinaboran ay iminungkahi mismo ni Ve-lasco, subalit nang sumang-ayon na ito at maging si Pangulong Duterte ay biglang umatras si Velasco.
Matapos umurong sa term sharing ay nakapanyam ng ANC News program si Velasco kung saan sinabi nito na hindi siya pabor sa term sharing dahil na rin sa maaapektuhan nito ang Kamara na sa gitna ng taon ay kinakailangan muli na magpalit ng mga Chairmanship at Committee Heads kasabay ng pagupo ng kasunod na House Speaker.
Ngunit lumilitaw na hindi ito ang dahilan, bagkus ang pag-atras umano ni Velasco ay dahil hindi niya nagustuhan na huli siya sa term sharing at mauuna si Cayetano.
Tinawag naman na tuso ng isang dating mambabatas si Velasco dahil sa ginawa nitong pagsuhestiyon ng term sharing na sabay atras nang hindi siya ang mauuna.
Sinabi naman ni 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro na bagama’t walang problema sa term sharing kung ito ang nais ng Pangulong Duterte, subalit mas malaki ang advantage kung iisang House Speaker lamang ang mamumuno sa loob ng 3 taon dahil mapapanatili ang stability ng Kamara lalo at hindi papalit-palit ang mga Chairmanship.
Matatadaan na sa 17th Congress ay nahati din kina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang 3 taong termino ng Speakership ng Kamara matapos mapatalsik sa unang taon si Alvarez at humalili si Arroyo kung saan nagkaroon din ng rigodon sa iba pang mga komite.
Comments are closed.