REPACKER TIMBOG SA PANG-UUMIT NG SALMON

salmon

KULUNGAN ang bagsak ng isang empleyado matapos mabuko sa pang-uumit ng isang kilo ng salmon sa pinpasukan nitong kompanya sa Barangay 28, Dagat-Dagatan, Caloocan City, noong Sabado ng gabi.

Sa nakalap na report mula sa Northern Police District (NPD), nakilala ang suspek na si Abelardo Estrella y Mercado, 32-anyos, residente ng Tondo, Manila at repacker ng Frabelle Market Corporation na matatagpuan sa C3 Road, Barangay 28, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon sa report, nabuking ng company security guard na si Arnel Velaganio y Batiancila, 43-anyos sa aktong ipupuslit ng suspek ang isang kilo ng salmon fillet na nagkakahalaga ng P399.00 na umanoy nakapasok sa loob ng jacket na suot ng suspek.

Nabuking ang tangkang pagnanakaw nang papalabas na ang suspek para umuwi at hindi nakalusot sa kapkapan ng gamit dahil doon na nakita ang ninakaw.

Agad na dinala sa Tuna Police Sub Station 1 ang suspek bandang ala- 6:30 ng gabi at kasong theft ang isinampa si Mark Jayson Villar y Malto, 35-anyos, Master Storekeeper  ng Frabelle Market Corporation laban dito.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Caloocan detention cell. VICK TANES

Comments are closed.