NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa international community para magarantiya ang kaligtasan ng agarang pag-uwi ng mga Pinoy mula sa Kabul, Afghanistan.
Nabatid na kamakalawa ng gabi ay 32 Pinoy ang inilikas at ngayon ay nasa Doha at naghihintay sa kanilang flight pauwi ng Pilipinas.
Bukod dito, 19 pang Pinoy ang inihahanda na para kaagad na makaalis sa nabanggit na lugar.
Nag-isyu na ang DFA ng alert level 4 sa buong Afghanistan para sa mga Pinoy roon bunsod ng pag-igting ng karahasan at hindi magandang sitwasyon ng seguridad.
Nanawagan ang ahensiya sa mga Pinoy na nasa Afghanista na sumama na sa repatriation at kaagad na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Pakistan o sa OFWHelp para kaagad na matulungan ang mga ito.LIZA SORIANO
563021 80510Can you give me some tips for piece of software writing? 70644
244833 581917Hello DropshipDragon provides dropping for quality, affordable products direct from China to your customers. Perfect for eBay sellers and site owners alike! 491014