MAYNILA – ITINAKDA na sa Marso 11 ang pagpapauwi sa may 140 Pinoy mula sa Macau.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, sa naturang 140, 40 lamang ang dokumentado habang ang 100 ay undocumented o walang kaukulang dokumento.
“Mga 140 ‘yan pero of the 140, 40 ang documented, 100 undocumented,” ani Bello, sa panayam sa radyo. “Dadarating na sila rito ng 11.”
Nilinaw naman ni Bello na kahit undocumented ay tutulungan sila ng pamahalaan at isasakay sila sa chartered flight para makauwi sa bansa.
Nabatid na ang nasabing bilang ng mga OFW sa Macau ay naapektuhan matapos na magsara ang maraming establisimiyento doon bunsod ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). ANA ROSARIO HERNANDEZ