REPLICA NG LETHAL WEAPON NAGKALAT

lethal weapons

NAGPAHAYAG ng pagkaalarma ang grupong EcoWaste Coalition kaugnay ng paglipana sa merkado ng mga mumurahing replicas ng lethal weapon, na maaaring magdulot ng disgrasya sa mga paslit.

Ayon sa grupo, ang  lethal weapon toys na may matatalas na dulo, partikular na ang replica ng balisong, hunting knife, at Naruto weapons tulad ng  “kunai” (dagger), “shuriken” (hand blade ) at “tanto” (sword), ay hindi akmang paglaruan ng mga bata.

Nagbabala pa  ang grupo  na maaring makapanakit ang mga naturang laruan sa mga bata, lalo na kung gagamitin nila ito ng walang super-bis­yon ng mga magulang.

Maaari rin anila itong makaapekto sa kanilang pag-uugali.

Nabatid na nakabili ang EWC ng mga naturang mga laruan mula sa  toy retailers at wholesalers sa M. de Santos at Tabora Streets, sa Binondo, Maynila, sa labas ng Divisoria Mall.

Ang isang pakete ng laruan na may lamang mula 20 hanggang 30 piraso ay nagkakahalaga lamang ng P55 hanggang P120.

Itinitingi naman ito sa mga bata ng ambulant vendor sa halagang P5 hanggang P10 ang bawat isa.

“Toys with sharp points and edges are potentially dangerous as these could tear a child’s sensitive skin or cause injury to a child eyes,” babala pa ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo.

“For example, we find it totally inappropriate for young children to play with ‘balisong,’ which is often used in street altercations and crimes,” aniya pa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng grupo ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak na posibleng makabili ng nabanggit na toy weapon. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.