REPORMA AT DIGITALIZATION TUTUTUKAN NG BAGONG BI CHIEF

NANINDIGAN ang bagong hirang na hepe ng Bureau of Immigration (BI) na si Commissioner Atty Joel Anthony M. Viado na pagtutuunan nito ng pansin ang mga reporma sa ahensya, higit lalo ang digitalization ng mga mga serbisyo at programa nito para sa publiko.

Italaga si Viado bilang officer-in-charge noong nakaraang buwan kung saan dati siyang  Deputy Commissioner simula pa noong April 2023 kasama sina Deputy Commissioners Daniel Laogan at  Aldwin Alegre.

Bilang Abogado, na may sapat na kaalaman sa  immigration laws, suportado nito ang pagpasa ng  bagong immigration law na papait sa 84-year-old na  Philippine Immigration Act.

“The Bureau is fully supportive of the President’s initiative to prio­ritize a new immigration law, which will enhance our operations and allow us to serve the public more effectively,” ayon kay Viado.

Buukod sa pagsusulong sa  legislative reform, sinabi rin nito ang kahalagahan ng paglaban sa korupsyon  sa ahensiya.

“We will take advantage of the aggressive thrust of the national go­vernment in terms of ICT,” dagdag pa ni  Viado.

Sinabi rin nito na prayoridad sa kanyang pamamahalaa ang digital systems  at makikipagtulungan din siya sa  Department of Justice para sa iakabubuti ng ahensiya.

Papag-aralan din niya ang kasalukuyang polisiya at mga procedures para matukoy ang mga  in­efficiencies at matanggal ang mga  redundancies.

Nagtapos siya ng  Political Science degree mula sa University of the Philippines Diliman, kung saan ngtapos din siya ng kanyang law degree. Viado at pumasa ng  Philippine Bar noong  1999.

PAUL ROLDAN