REPORMA SA BUWIS, MONEY LAUNDERING LAW PRAYORIDAD NG SENADO

Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri

ANG MGA panukalang reporma sa buwis at mga batas sa money laundering ang pagtutuunan ng Senado sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kabilang sa bubusiiin ng bicameral conference committee ang pagpapatibay sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE).

Layon ng nasabing panukala na ibaba ang corporate income tax sa 20 porsiyento.

Bukod dito, aaprubahan din sa ikatlo at huling pagbasa ang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) habang prayoridad din ang Coco Farmers Trust Fund at ang Confirmation of Imperfect Land Titles.

Sinabi pa ni Zubiri na bukod sa mga nabanggit ay isusulong din nila ang pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng  Establishment of Separate Prison Facilities for Prisoners Convicted of Heinous Crimes;  Lowering the Minimum Height Requirement for Applicants of the PNP, BFP, BJMP, and BuCor; Protecting Children by Prohibiting and Declaring Child Marriage as Illegal and Providing Programs and Penalties at iba pa.

Tatalakayin din ng Senado ang pag-amyenda sa   Retail Trade Liberalization Act, Increading the Age of Statutory Rape, Amendments to the Public Services Act, Creation of the Department for OFWs, E-Governance Act, The Military and Uniformed Personnel Services Separation, Retirement and Pension Act, The Expanded Solo Parents Welfare Act at  Internet transactions Act. LIZA SORIANO

Comments are closed.