REPORMA SA PAGTUGON SA LEARNING CRISIS APELA NG PBED

Ramon del Rosario jr

NANAWAGAN ng komprehensibong reporma ang advocacy group Philippine Business for Education (PBEd) sa gitna ng nararanasang krisis sa edukasyon sa bansa.

“With a learning crisis on our hands and the future of millions of Filipinos at stake, what we need now is a strong, multi-sectoral coalition that will push for education reforms and ensure that quality education becomes a top priority in the national agenda of PBEd,” sabi ni PBEd Chair Ramon del Rosario,Jr.

Sa online press conference nitong Miyerkoles ay naglatag ng limang rekomendasyon ang PBEd upang mareporma ang  education system sa bansa:

Implementasyon ng Philippine Plan of Action for Nutrition upang matugunan ang stunting and malnutrition ng mga batang mag-aaral; mas mataas na budget para sa edukasyon ; pagtatayo ng autonomous assessment agency; pagbuo ng National Teacher Education Scholarship program; at pinaigting na implementasyon ng mother tongue-based multilingual education.

Iginiit din ng organisasyon na kailangang magbuklod ngayong taon ang Education Commission o EdCom upang malaman ang plano para sa Philippine education at matalakay ang matagal nang mga problema ng sektor gaya ng education governance,  teacher quality,   technology in education,  at competitiveness.

Umaasa ang PBEd na ang 2021 EdCom ay magiging “multisectoral body with representation from the legislature, private sector, civil socie-ty, parents’ association, the youth, school teachers and school leaders, and it should be supported by a competent and objective secretariat.”

“We need to look at the education crisis from different perspectives. We need to see the bigger picture and implement reforms in crucial areas that determine the quality of education that we provide to students, ”  ayon kay del Rosario.

Ang panawagan ng PBEd ay bunsod ng serye ng international assessments kung saan nangulelat ang Filipino students sa mundo pagdating sa science, mathematics at reading competency.

Nangangamba ang organisasyon na ang mahabang school closure at kawalang katiyakan kung kailan magkakaroon ng safe and equitable re-opening ay mas magpapalala sa “learning losses”  ng bansa, lalo para sa 2.7 million unenrolled K-12 students ngayong school year.

Nakiisa rin ang PBEd Board sa panawagan para sa education reforms sa bansa. Sinabi ni Lito Tayag, managing director ng Accenture Philippines, banta  ang learning crisis sa competitiveness ng ekonomiya kung kulang sa required skills ang ating mga manggagawa.

Ayon  kay  dating Social Security System President and Chief Executive Officer Corazon dela Paz-Bernarmea, ang mga miyembro ng pamilya na kulang sa proper education ay nawawalan ng oportunidad na magkaroon ng maayos na trabaho at maihayag ang kanilang civil at political rights.

Para naman kay dating Department of Education Undersecretary Juan Miguel Luz, kung magtatagal ang learning crisis,  hindi maipatutupad ng gobyerno ang  sustainable development goal  na   titiyak  sa inclusive and equitable education for all.

“We are now sounding the alarm,” ani del Rosario. “The Philippine government must take the lead in drawing up and implementing plans for an education system that Filipino learners deserve. We ask our leaders to make education a top priority, and for other stakeholders in the education sector to work together in stemming this crisis.”

Comments are closed.