ABALA ang Philippine Sports Commission (PSC) sa iba’t ibang aktibidad nito, kasama ang paghahanda sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“We discussed many things concerning the plans and programs of PSC and the forthcoming SEA Games,” sabi ni PSC Chairman William Ramirez.
Bilang dating atleta at athletic director, sinabi ni Ramirez na palalakasin niya ang pundasyon ng sports sa pamamagitan ng solidong programa para mapataas ang antas ng palakasan at makasabay sa mga karatig-bansa sa Asia.
“Meaningful and long sustainable reforms is the only way to strengthen the foundation of sports and bring back the glory years where the Filipino athletes are admired and respected in international competitions,” sabi ni Ramirez.
Kasama sa mga programa ang pagpapatayo ng training centers sa iba’t ibang panig ng bansa para mapataas ang antas ng performance ng mga atleta at national coaches.
“PSC under my watch is instituting this laudable and meaningful reforms ostensibly to see our sports programs move forward by putting up sports training centers around the archipelago,” paliwanag ni Ramirez. CLYDE MARIANO
Comments are closed.