KINIKILALA ng Philippine National Police (PNP) ang inilabas na pag-aaral ng Commission on Human Rights (CHR) sa may 500 insidente ng kamatayan at umano’y mga paglabag sa kampanya laban sa ilegal na droga.
“We respect the investigation conducted by the Commission on Human Rights as this task falls under its constitutional mandate,” ani PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar.
“But the main reason behind the investigation conducted by the CHR is the same reason why we coordinated with the Department of Justice for the review of the police operations relating to the campaign against illegal drugs,” paliwanag pa ng heneral.
Batay sa inilabas na CHR report, tanging 11 lamang ang nakaligtas mula sa 466 individuals na sinasabing nanlaban umano sa panahong isinasagawa ng police operations.
Ayon sa human rights body, may 87 victims ang karamihan ay may multiple gunshot wounds sa ibat ibang bahagi ng katawan at may mga palatandaan na nakita na ginamitan ng matinding puwersa ang mga namatay sa operations.
“We in the Philippine National Police would also want to know the truth because these allegations of human rights and extra-judicial killings that have been hounding us in more than five years have resulted in sweeping generalization that all our operations against illegal drugs are tainted with abuses,” ani PGen Eleazar.
“This is unfair to a number of our operatives who died and were wounded in the conduct of operations and this grossly ignores the fact that the efforts and sacrifices of our men on the ground have resulted in the unprecedented reduction of index crimes across the country,” dagdag pa ng heneral.
Ang Department of Justice, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng PNP ay napasimulan na ang kanilang imbestigasyon sa may 52 kaso na sinasabing kabilang sa drug war deaths.
Ang naunang 52 cases ay nasuri ng National Bureau of Investigation para sa case buildup laban sa ilang pulis. VERLIN RUIZ