TUMAAS ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) ngunit ang overall trend naman ng mga kaso ng impeksiyon ay patuloy namang nababawasan.
Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, mula sa 1.39 lamang ay naging 1.41 na ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila o yaong bilang ng mga taong maaaring maihawa ng isang pasyente habang nasa 1.32 naman sa buong Pilipinas.
Aniya, bagamat patuloy na dumarami ang mga bagong kaso ng sakit, umaasa silang ang reproduction number ay bababa sa ikatlong linggo ng Setyembre upang mas mapabagal pa ang transmission o hawahan ng virus.
“Sa buong Pilipinas, nasa 1.32. Sa buong NCR, 1.41 ‘yung reproduction number natin. Overall, ang trend niya bumababa,” pahayag pa ni David, sa panayam sa radyo.
Sinabi ng eksperto na ang reproduction number ay dapat na mapababa pa sa 1.00 o 1.1 upang matiyak na bababa na ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Ipinaliwanag niya na ang kasalukuyang 1.41 reproduction number sa Metro Manila ay nangangahulugan na ang dalawang infected na indibidwal ay maaaring makahawa ng tatlong katao.
Iniulat din niya na ang Metro Manila ay nakapagtala ng record-high na mahigit 6,000 kaso nitong Sabado.
Nagbabala pa siya na maaaring tumaas pa ang naturang numero sa mga susunod na linggo.
Samantala, kahit naman nakapagtala na ang bansa ng ‘all time-high’ na 22,366 bagong kaso ng COVID-19 noong huling bahagi ng Agosto, sinabi ni David na hindi pa aniya ito ang ‘peak’ ng mga COVID-19 cases at maaaring mas lumaki pa ang naturang bilang.
“‘Yung 22,000 na nakita natin, ‘di pa peak ‘yun. Baka malampasan natin ‘yun. Baka puwedeng mangyari ngayong araw o bukas or these coming weeks,” dagdag pa ni David. Ana Rosario Hernandez
397355 191553I think other site proprietors should take this internet internet site as an example , extremely clean and fantastic user genial style . 524787
210102 707050You should consider starting an email list. It would take your website to its potential. 266682
237248 548699fantastic . Thanks for informations . Ill be back. Thanks again 204662
38023 293575Be the precise blog should you have wants to learn about this subject. You comprehend considerably its nearly onerous to argue to you (not that I personally would needHaHa). You undoubtedly put a new spin for a subject thats been discussing for some time. Nice stuff, merely good! 684217