REPRODUCTION NUMBER NG COVID-19 TULOY SA PAGBABA

INIHAYAG  kahapon ng isang indipendiyenteng grupo ng mga eksperto na patuloy sa pagbaba ang reproduction number ng COVID-19 sa tinaguriang ‘NCR Plus 8 areas.’

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, ang reproduction number sa National Capital Region (NCR), ay nasa 0.83 na lamang hanggang nitong Oktubre 2, 2021.

Ito ay malaking pagbaba mula sa dating 0.98 noong nakaraang linggo.

“NCR Plus Eight as of 10.2.21. NCR Reproduction number is 0.83. All Regions in Plus Eight also showing downward trend,” tweet pa ni David, sa kanyang Twitter account.

Anang OCTA, sa sakop ng NCR Plus 8 areas, ang Davao City ang nakapagtala ng pinakamataas na reproduction number na nasa 0.89.

Sumunod naman ang Pampanga at Rizal na may 0.85 naman, habang ang NCR ay nasa 0.83.

Mas mababa naman ang reproduction number sa Batangas na nasa 0.74 na lamang, kasunod ang Bulacan na nasa 0.70, Laguna na may 0.68, at Cebu City na may 0.66.

Nabatid na pinakamababa ang reproduction number sa Cavite na nasa 0.63 na lamang. Ana Rosario Hernandez

2 thoughts on “REPRODUCTION NUMBER NG COVID-19 TULOY SA PAGBABA”

  1. 737095 542993Slide small cooking pot in the cable to make it easier for you to link the other big wooden bead for the conclude with the cord. 857313

Leave a Reply

Your email address will not be published.