ILANG kalsada ang isasara habang magkakaroon din ng rerouting ng mga sasakyan kaugnay ng Kapistahan ng Sto. Niño de Tondo simula ngayon hanggang Linggo.
Ayon sa Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit (TEU) para sa isasagawang Lakbayaw festival na magsisimula ng alas-8:00 ng umaga sa harapan ng simbahan hanggang sa Yulo St., iikot ng Claro M. Recto Ave, kakaliwa sa Asuncion St., kaliwa sa Lakandula, kanan sa Wagas St., kanan sa Moriones St., kakaliwa sa Juan Luna St., at mag-u-turn sa Pritil St., kanan sa Herbosa St., kanan ulit sa Velasquez kakaliwa sa Ugbo kaliwa sa F. Varona, kaliwa sa Perla St., tatawid sa Moriones St., hanggang sa J. Nolasco pabalik sa simbahan.
Para naman sa prusisyon sa Linggo na magsisimula ng alas-4:00 ng madaling araw, sarado mula sa Sto Nino Church kung saan magsisimula hanggang sa Lakandula St., kanan sa Asuncion St., kaliwa sa Juan Luna St., mag-u-turn sa Pritil at N. Zamora, kanan sa Hermosa St., kaliwa sa Franco St., kanan sa Coral St., kanan sa Maria Yang/Yangco kaliwa sa Herbosa St., kaliwa sa Velasquez kaliwa sa Pela kanan sa Srta Mariatatawid sa J. Nolasco at kakaliwa sa Chacon St., patungo sa simbahan.
Nagsasagawa naman ng re-routing kapag nagsimula na ang prusisyon at lahat ng mga sasakyan galing sa Caloocan City ay kakaliwa sa Tayuman St., kanan sa Dagupan St., patungo sa pupuntahan.
Sa mga galing naman ng Tayuman St., at didiretso ito sa Capulong Road upang makapag-u-turn sa Raxabago patungo sa pupuntahan.
Sa mga gagamit naman sa Moriones St ., at diretso lamang sa Road 10 patungo sa pupuntahan.
Sa mga dadaan naman ng Kalandula, Asuncion at Sto Crsito Sts., patungo sa Divisoria via zaragosa St., at kinakailangang kumanan sa Delpan patungo sa pupuntahan.
Sa mga sasakyan naman na manggagaling sa Infanta St., na nanggaling sa tulay ng Velasquez-Infanta Road patungo sa Capulong Road ay dapat dumiretso sa Honorio Lopes Boulevard patungo sa pupuntahan habang ang mga sasakyang galing sa Vita St., ay dapat mag-u-turn sa Jacinto St., patungo sa pupuntahan.
Ipatutupad din ang Stop and Go habang isinasagawa ang prusisyon. PAUL ROLDAN
Comments are closed.