REROUTING SCHEME SA SOLIDARITY WALK

MMDA-5

MAGSASAGAWA ng rerouting scheme ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa magaganap na solidarity walk ngayong umaga sa Quezon City circle.

Magaganap sa solidarity walk, ang salubu­ngan sa pagitan ng mga Kristiyano at kapatid na Muslim.

Layon ng “Lakad para sa Kapayapaan Laban sa Karahasan,” na ipa­kita ang pagkakaibigan at al­yansa ng mga Kristiyano at mga Muslim.

Ipatutupad ng MMDA ng traffic rerouting ang “stop and go” scheme sa ilang bahagi ng Quezon City simula ngayong alas-7 ng umaga sa Masaya Street corner Commonwealth Avenue dahil ang Muslim group ay tatawid ng Elliptical Road para sa kanilang assembly sa Philcoa.

Dadaanan din ng grupo ang east side gate ng Commonwealth Avenue hanggang Liwasang Aurora sa QCMC kung saan idaraos ang programa.

Habang ang mga Kristiyano naman ay magmumula sa East Ave­nue tatawid ng Elliptical Road at papasok sa QCMC gate na nakaharap sa East Avenue hanggang sa may bahagi ng Liwasang Aurora.

Kasunod nito, ang mga sasakyang magmumula sa Elliptical Road na magtutungo sa Kalayaan Road, UP at Commonwealth Avenue ay kakanan sa East Avenue, kaliwa sa Matalino Street, kanan sa Kalayaan Avenue at kanan sa Elliptical Road patungo sa inyong destinasyon.

Habang ang mga sasakyan na magmumula sa EDSA via East Avenue ay kinakailangang kumanan sa Matalino Street kaliwa sa Kalayaan Avenue, kanan sa Elliptical Road patungo sa inyong destinasyon.            MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.