ZAMBOANGA CITY -PATULOY ang isinasagawang rescue operation ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) upang matunton ang apat na nawawalang indibidwal matapos lumubog ang sinasakyang fishing vessel sa katubigan ng Zamboanga City nitong Huwebes.
Ayon sa ulat ng PCG, lumubog ang fishing vessel RCT-999 sa bisinidad ng Tumalutab, Payao, Zamboanga City sakay ang kabuuang 38 indibidwal.
Agad na rumesponde ang Coast Guard Substation Sangali upang hanapin ang mga nawawalang pasahero at upang maasistihan ang iba pa.
Mahigpit na binabantayan ng Coast Guard Southwest Mindanao ang lugar upang tugunan ang potensyal na oil spills at marine protests mula sa nasabing insidente. EVELYN GARCIA