RESCUE OPS NABULABOG NG M-4.5 AFTER-SHOCKS

rescue operation

PAMPANGA – PAN­SAMANTALANG  nahinto ang search and rescue operation sa gumuhong gusali ng Chuzon sa Porac, Pampanga nang mu­ling yanigin ng magnitude 4.5 aftershock ang lalawigan ng Zambales kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcano­logy and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang pagyanig sa mga lugar na una ng tinamaan ng magnitude 6.1 earthquake na kumitil ng 16 katao sa Pampanga.

Napilitan ang mga rescuer na pansamantalang itigil ang rescue operation sa mga gumuhong gusali dahil sa malakas na after-shocks.

Sa report ng PHILVOCS, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang makapagtala sila ng 4.5 magnitude na pagyanig.

Sinasabing ang mga panibagong lindol ay bahagi pa rin ng epekto ng naunang lindol noong Lunes sa Luzon.

Magugunitang kahapon ay naitala ang nasa 200 aftershocks habang noong Martes ay naiulat ang mahigit na 400 aftershocks makaraan ang pagyanig sa Central Luzon.

Comments are closed.