RESCUE OPS SA NAWAWALANG CESSNA 206 PATULOY

HUMINGI  ng saklolo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan sa search and rescue operation sa nawawalang Cessna 206 Aircraft (RP-C1174) sa Isabela.

Sakay ng Cessna 206 ang anim katao.

Katuwang ng CAAP sa iisinasagawang search and rescue operation ang local government units (LGUs) na kinabibilangan ng Philippine Airforce (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at

Philippine Army ng Maconacon at Divilacan, Isabela.

Nag-isyu ang CAAP ng Notice to Airmen (NOTAM) BO391/23, sa mga lugar ng South at West Naguilian at East of Maconacon Airport sa hindi kukulangin sa 1,000 square nautical miles para sa search area.

Matatandaan na itinigil ang operasyon kahapon dahil sa masamang panahon at sa malakas na pag-ulan. Froilan Morallos