RESCUE SA BRITON, MISIS IPINORMA NG AFP-DND

Cirilito Sobejana

ZAMBOANGA DEL SUR – NAGKUKUMAHOG ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP)  na mailigtas ang dinukot na British at asawa nitong Filipina na tinangay ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang resort sa  Barangay Alindahaw.

Ayon kay AFP Western Mindanao command chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, tuloy ang ginagawa nilang pagsisikap na matunton at ma-rescue ang mag-asawang sina  Allan at Wilma Hyron.

“Hindi kami tumitigil at hindi kami titi­gil hangga’t hindi namin makuha so ‘yung joint Task Force Hyron will continue its mission. We are e-ploying all our capabilities, even the Secretary of National Defense (Sec. Delfin Lorenzana)  the chief of staff (Gen. Noel Clement), talagang they are dipping their fingers into our effort,” ani Sobejana.

Nabatid na nakikipag-ugnayan din sa AFP  ang British government para mabawi ang mag-asawang kidnap victims.

Naniniwala si Sobejana na hindi pa gaanong nakalalayo ang mga dumukot sa mag-asawa dahil ma­rami ang mga tumatawag na nagbibigay ng impormasyon na matapos ang verification at validation ay lumilitaw na inililigaw lamang ang mga militar na nag­hahanap. VERLIN RUIZ

Comments are closed.