W. VISAYAS – PARARANGALAN ang mga rescuer na nakiisa sa search and retrieval operations sa landslide site sa Naga City.
Ayon kay city councilor at disaster team head Junji Cruz, bahagi ang paggawad ng pagkilala ang pasasalamat sa tulong na ibinigay ng bawat isa sa paghuhukay ng lupa sa ground zero para marekober ang mga nabaon na residente.
Nagpasalamat din ang opisyal sa mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, gayundin si incident commander Baltazar Tribunalo.
Sa ngayon, nakahanda na ang higit 300 housing units para sa mga biktima ng landslide.
Inaral naman ng mga geologist ang huling debris mula sa gumuhong lupa at tiniyak na hindi na makababalik ang mga residente na nakatira sa loob ng 1-km radius.
Batay sa tala ng mga awtoridad, 72 na ang bilang ng mga nasawi, 19 ang sugatan, habang 11 pa ang nawawala.
Nagpapatuloy naman ang operasyon ng search and rescue team para ma-recover ang iba pang biktima ng landslide. EUNICE C.
Comments are closed.