RESELLER NABUDOL NG ‘ONLINE SELLER’

LABIS na pagkadismaya ang sinapit ng isang reseller sa Bacolod City, Negros Occidental nang magantso siya ng isang nagpakilalang online seller na ang binebenta ay mga damit, sapatos at bags mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay alyas Ailine Joy, residente sa Antique at iba pang nabiktima ni Zaila Marie Dalida na residente sa Barangay Bata, Bacolod City.

Ayon kay Mondejar, buwan ng Hulyo nang makita nito sa online na nagsu-supply ng mga produkto si Dalida kaya nag-inquire ito at siya ay idinagdag sa kanilang group chat.

Dati raw ay maayos pa ang kanilang mga transaksiyon, ngunit buwan ng Setyembre nang nagpadala ito ng halos P90,000 bilang bayad sa inorder ngunit walang dumating na produkto.

Hindi na rin daw niya ma-contact ang suspect.

Tinungo rin ng isa pang reseller sa Negros Occidental ang bahay ni Dalida sa Barangay Bata ngunit ayon sa ina nito, wala itong alam kung saan pumunta ang kanyang anak at depressed din ito na umalis sa kanilang tahanan.

Ipina-blotter nadin ng mga ito sa police station ang suspect.

Maliban kay Mondejar, marami pang ibang biktima ni Dalida matapos matangayan ng nasa P100,000 hanggang P500,000 ni Dalida.

Nananawagan ang mga biktima na ibalik ang kanilang mga pera dahil ito ay kailangan din nila.

11 thoughts on “RESELLER NABUDOL NG ‘ONLINE SELLER’”

Comments are closed.