CAMP AGUINALDO-MAGDARAGDAG pa ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lansangan kung kinakailangan kaugnay sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ)at bukod pa rito ang gagawing mobilissasyon ng kanilang mga reservist.
“Kung hindi magiging displinado at maayos ang pagsunod ng ating mga kababayan Sa ECQ from the observation of the LGUs, we will add more troops, pahayag ni AFP Spokesperson at Assistant J7 Marine BGen Edgard Arevalo.
Nabatid na may augmentation force na inilaan ang AFP Joint Task Force NCR na pinamumunuan ni MGen. Alex Luna para tulungan ang mga pulis na nakatalaga sa mga local government unit. VERLIN RUIZ
Comments are closed.